전체 공개 ・ 07.19

2026.07.18 (Sat)
Grabe, nasa burger shop kami ng kapatid at papa ko. May sobrang bilis na mga nagmomotor na dumaan, sumisigaw pa sila. Hanggang sa may narinig kami na malakas na tunog, as in super lakas. napatayo agad kami sabay tingin sa kalsada, natanaw namin yung mga naka tumbang mga motor. Pinuntahan agad nila papa, naiwan ako doon sa burger shop. Aksidente, naaksidente yung mga dumaan kanina na maingay. Tapos may huminto na tricycle banda sa burger shop, sinabi na mga lasing daw yung mga naka motor, nag overtake daw yung mga yon tapos muntik na din sila banggain. Bumalik sila papa, malala daw yung nangyari. May pinapanood pa sya na vid, kuha yon doon. Super lala nga, di ko na id-describe pero sinasabi ko, malala talaga. tapos ayon, tinake out nalang namin yung mga pagkain. Madadaanan ulit namin yung place ng accident, ayon napa stay pa kami. Ang crowded na tapos nilulupungan pa nila yung mga nakahiga, tumawag na din sila non ng ambulansya. Mga ilang minuto pa siguro yung lumipas bago nakarating yung ambulansya. Kita ko yung isang motor, wasak na wasak tapos yung isang nakahiga, biglang bagon sya. Parang di nya na alam yung nangyari. 2 single yon, yung 1, 3 sakay puro lasing daw tapos yung isa liliko lang sana papasok sa kanto, ayon nadali. kawawa talaga yung nadamay, puro wala pa silang helmet. Kaya dapat talaga di nagmamaneho ng lasing, isa pa wala pang helmet. kawawa kase yung madadamay. Super bilis pa ng patakbo.