Sobrang saya ko dito, wala masyadong tao so hindi crowded tas madali lang din inavigate. Natatawa pa talaga ako sa part na mayhiking sa Katsuragi n tinawag nilang "hard course" daw, tas nung iniisip ko na parang sa Pinas na walang pathway tsaka rope lang ung pwede mong hawakan, natakot ako. Iyon pala, ang hard version para sa mga Hapon ay steep kasi. Pero, all in all, madali lang siyang hike, may paved pathway and di ka naman mapapahamak. Feel ko medyo tanda na din kami masyado ni Kuya Luigi kasi medyo mapalastop ang mga Pinoy para magpicture 😭 Sana dinala ko cam ko kasi ang ganda talaga ng kulay nung mga puno. Sana makapunta ulit sa Spring 🌱🌼